--Ads--

CAUAYAN CITY- Bumuhos ang supporta para kay Vice Mayor Atty. Harold Respicio sa pormal nitong panunumpa sa pwesto.

Halos hindi magkamayaw ang mga supporters, bitbit ang banners ay matiyagang naghintay ang mga ito sa harapan ng Munisipyo ng Reina Mercedes, Isabela.

Matapos ang proklamasyon ay inihayag ni Atty. Respicio ang kahandaan na isantabi ang anumang hindi pag kakaunawaan at hidwaan upang makipag ayos kay Mayor Maria Lourdes Saguban.

Samantala, Tinawag na bestfriend at King George ni Vice Mayor Elect Harold Respicio si Comelec Chairman George Garcia matapos siyang payagan na ma-proklama bilang Bise Mayor ng bayan ng Reina Mercedes Isabela.

--Ads--

Matatandaan na naglabas ng disqualification case ang Comelec at sinampahan pa ng reklamong paglabag sa Anti-Cybercrime Law si Atty. Respicio dahil sa kanyang pagpapahayag sa umano’y vulnerability ng mga Automated Counting Machine ACM na ginamit sa katatapos na halalan kaya hindi agad na proklama bilang Bise Mayor.

Matapos ang proklamasyon ngayong araw ay ipinakita naman ni Atty. Harold ang kanyang pasasalamat kay Comelec Chairman dahil makakaupo na siya bilang Bise Mayor ng bayan simula sa unang araw ng Hulyo.

Sa pagpapahayag ni Vice Mayor Elect. Atty. Harold Respicio, aniya, simula ngayon ay magkaibigan na sila ni Comelec Chairman dahil na lift ang suspension ng kanyang proclamation.

Tunay naman aniya na mabait si Comelec Chairman Garcia dahil sa kabila ng lahat ng katotohanan na kaniyang isiniwalat sa publiko ay pinagbigyan pa rin siyang ma proklama.

Maging ang mga residente aniya sa Reina Mercedes ay nagpapasalamat kay Chairman Garcia dahil sa desisyong ito at umaasa sila na tuluyan nang hindi matutuloy ang disqualification laban sakanya.

Hudyat kasi aniya ang proklamasyon upang magtuloy tuloy na ang kaniyang serbisyo sa taumbayan.

Ayon pa kay Atty. Respicio, hindi dahil na proklama na siya ay titigil na siya sa pag kwestyon sa trabaho ng Comelec dahil magpapatuloy pa rin aniya kung ano ang kanyang ipinaglalaban at kung ano ang kanyang napansin na kaduda duda sa mga makinaryang ginamit sa halalan.

Pinaplantsa na rin aniya ang kanyang pormal na kaso na ihahain sa supreme court para panagutin ang sino mang may pananagutan sa mga kaduda dudang halalan.

Umaasa si Vice Mayor Elect na sa susunod na election ay pagbubutihin na ng Comelec ang kanilang trabaho upang maging transparent pa ang resulta ng halalan.