--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip sa manhunt operation ng Jones Police Station ang isang construction worker na tumaga at pumatay sa katrabaho habang natutulog sa kanilang tinutuluyan sa Sto. Domingo Jones, Isabela.

Sa nakuhang  impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan  sa Jones Police Station, ang suspek ay si Felix Tirol, 61 anyos, construction worker at karpintero,  residente ng Dibuluan, Jones, Isabela habang ang biktima ay si Lordwin Tubay, 31 anyos, construction worker, karpintero at residente ng  Bangay 2, Jones, Isabela.

Sa pagsisiyasat ng Jones Police Station, nag-inuman sina Tubay at isang alyas Rey at  nagkabiruan sila na  papatayin ang suspek dahil sa umanoy pagkakawangis nito sa kaniyang anak na may problema sa pag-iisip.

Lingid sa kanilang kaalaman ay  narinig ng suspek ang sinabi ni Tubay kaya  hinintay umanong makatulog.

--Ads--

Nang tulog na si Tubay ay pinagtataga umano siya ni Tirol  gamit ang isang itak na itinusok pa umano  sa  leeg ng biktima.

Agad na  tumakas si Tirol  ngunit natagpuan  sa Dibuluan, Jones, Isabela sa isinagawang pagtugis sa kanya ng mga pulis.

Sasampahan ng kasong pagpatay si Tirol na nasa kustodiya ngayon ng Jones Police Station.