CAUAYAN CITY -Pinagtutuunan pansin ng Local Government Unit ng Ilagan City ang papapatayo ng Corn Processing Plant sa kanilang nasasakupan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sangguniang Panlunsod Member June Monterial na dahil maituturing na corn capital of the Philippines ang Lunsod ng Ilagan ay marapat lamang ang pagtatayo ng Corn Processing Plant.
Sinabi pa ni SP member Monterial na magkapartner ang pamahalaang Lunsod ng Ilagan at Deoartnment of Agriculture Region 2 sa balak na ipatayong Corn Processing Plant.
Anya kaya napili Ilagan City na pagtayuan ng corn processing plant dahil kung quality corn ang pag-uusapan ay 15% lalawigan ng Isabela, 9% sa region 2 at 3% sa buong bansa.
Kapag naayos na ang pag-uusap sa pamamagitan nina City Mayor Evelyn Diaz at pamunuan ng DA region 2 ay maaaring ipatayo na ang Corn Processing Plant sa Ilagan City.




