--Ads--

CAUAYAN CITY – Iginiit ng convenor ng Kontra Daya na hindi fictitious o wild imagination ang mga akusasyon ng dayaan noong nakaraang halalan dahil may empirical evidence.

Inimbitahan ni Professor Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya  si Undersecretary Jonathan Malaya at iba pang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na bisitahin ang kanilang website at iba pa nilang account sa social  media para mabasa nang husto ang kanilang report.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni  Professor Arao na mayroon silang end of day report noong May 9, 2022 at updated ang kanilang voter incident report matapos ang halalan.

Ayon kay Professor Arao, mayroon na silang nakuhang mahigit 9,000  na incident report  at halos 3,000 na ang verified report.

--Ads--

Kung sasabihin aniya na wild imagination lamang ang  mga ito ay parang sinabi na rin na sinungaling ang Kontra Daya,  mga volunteers  at mga concerned citizen na nagpadala sa kanila ng report.

Sinabi ni Professor Arao na sa araw mismo ng halalan ay may mga insidente ng vote buying, disinformation at red tagging.

Hindi masasabi na disinformation sa insidente na may ebidensiya.

Sa araw din mismo ng halalan ng halalan ay maraming insidente ng aberya sa mga Vote Counting Machines (VCM) at umabot sa 1, 800 ayon mismo sa Commission on Elections (Comelec) at halos  kalahati nito ay insidente  ng  paper jam.

Ito ay posibleng  nakaapekto sa 1.1 million na botante na masasabing maliit na bahagdan ng mahigit 60 million voters ngunit malaki ang bagay na ito sa panalo ng kandidato lalo na kung mahigpit ang tunggalian sa lokal na halalan.