
CAUAYAN CITY – Ibinalik ang pagsusuot ng face mask dahil sa pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) bunsod ng delta variant.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Harold Abayani, caregiver sa Haifa City, Israel at tubong Dumawing, Jones, Isabela, sinabi niya kamakailan ay 200 na lang ang kaso ng COVID-19 sa Israel ngunit nang makapasok ang dela variant sa pamamagitan ng mga taong dumating doon mula sa ibang bansa ay muling tumaas ang mga infected na umabot sa 16,400, habang 168 ang nasa serious condition.
Dahil dito ay muling pinag-iingat ang mga mamamayan at pinagsusuot ng face mask sa sa mga close spaces, public transportaton at supermarket.
Sinabi pa ni Ginoong Agbayani na bilang pag-iingat ay ipinagbawal ng pamahalaang Israel ag pagpasok doon ng mga galing sa red countries.
Ang mga papasok sa mga bansa na hindi kabilang sa mga red countries ay sasailalim ng sampung araw na quarantin.e
Ang mga 60 anyos pataas ay mandatory na tatanggap ng ikatlong dose o booster para sa kanilang ibayong protection.
Ang pagbabakuna ng booster sa mga matatanda ay magsisimula bukas, linggo.
Binabakunahan na rin ang mga bata na nasa 5 anyos hanggang 11 anyos lalo na ang may comordities o lugar na marami ang infected ng virus.




