--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihayag ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH Region 2 na may isang daan pitumpot dalawang  aktibong kaso  ng COVID-19 sa buong rehiyon dos.

Tiniyak ng pamunuan ng Department of Health Region 2 na tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang vaccination sa kabila nang pagtanggal ng World Health Organization sa Covid-19 virus bilang global health emergency.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Romulo Turingan, ang Local Health Support Division Chief ng Cagayan Valley Center for Health Development ng DOH Region 02, sinabi niyang tuluy-tuloy pa rin ang kanilang vaccination drive sa kabila nang pagiging low risk ng rehiyon dos.

Tinitiyak din ng tanggapan na mananatiling libre ang bakuna at booster shots sa mga pampublikong ospital kahit maging pangkaraniwang sakit na lamang ang COVID-19 virus.

--Ads--

Sinabi din ng manggagamot na huwag maniniwala na isa sa senyales ng virus ay ang pagkakaroon ng sore eyes dahil pangkaraniwang umano itong sakit tuwing tag-init.

Sa ngayon ay mayroong 172 na aktibong kaso sa buong rehiyon dos ang  patuloy na binabantayan ng mga otoridad.

Sinabi pa ni Dr. Turungfan na  kapag tinamaan ng covid 19 ang isang tao ay mild na lamang ang nararanasan  at hindi na lalala pa ito maliban na lamang kung may mga dati ng sakit o comorbidities tulad ng diabetes, sakit sa puso at highblood.