--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinuturing na isang malaking insulto ng isang Political analyst ang pahayag ni Vice Presiddent Sara duterte-Carpio sa planong pagtakbo sa Senado ng kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, congressman Paulo duterte habang nagbabalak namang kumandidato sa pagkapangulo si Davao Mayor Baste Duterte.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco sinabi niya na isa itong harap-harapang pang-iinsulto sa taumbayan dahil hindi ito ang dapat maging takbo ng politika sa Bansa na ginagawang pag-aari ng iisang Pamilya lamang.

Aniya, bagamat isang demokratikong bansa ang Pilipinas ay magagawa ng mga botanteng mapigilan ang paghahari ng Political Dynasty sa pamamagitan ng hindi pagboto sa kanila dahil hindi magandang pangitain para sa lahat na ang Senado ay magiging kabahagi na ng Kongreso na pinamumunuan ng mga politikong bahagi ng Dinastiya.

Labis lamang aniya na makakaapekto ito sa mandato ng Senado sa pagbalangkas ng batas, at maiiwang kawawa ang mga ordinaryong indibidwal lalo na at malaki ang tiyansa na makuha ng Pamilyang duterte ang mayorya ng Senado at makontrol ang Senate Presidency.

--Ads--

Samantala, hindi na aniya nakakagulat ang pananahimik ng Pamilya Duterte sa usapin ng West Philippine Sea lalo at isa si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa gumawa ng mga kautusan kaugnay sa ugnayan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.