
Nababahala ang pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center o CVMC dahil sa biglaang pagtaas ng mga COVID-19 patients sa naturang pagamutan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC na sa ngayon ay umaabot na sa limampong COVID-19 patients nasa pagamutan na binubuo ng labing anim na confirmed case at labing apat ang suspect case.
Hinihintay pa ang resulta ng swab test ng labing apat na suspect case.
Ayon pa kay Dr. Baggao noong bago magpasko ay apat lamang ang COVID-19 patient na kanilang ginagamot ngunit hanggang alas kuwatro kahapon ng hapon ay umaabot na sa limampo.
Ang tatlumput anim na confirmed case ay siyam ang mula Tuguegarao City; dalawampu’t lima sa Cagayan, tig-isa sa Isabela at Kalinga
Habang ang labing apat na suspect patients ay labing dalawa ang mula sa Cagayan at tig-isa sa Isabela at Kalinga
Sinabi ni Dr. Baggao na mabilis ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 hindi lamang sa CVMC kundi maging sa buong bansa pangunahin na sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan sa nakalipas na Holiday season .
Maaring resulta ito ng mga social gatherings na tinatanggal ang mga face mask kapag nagkakainan maging ang pagdagsa ng mga tao sa pelngke at mall.
Marami din anya ang mga hindi nababakunahan na proteksiyon sa virus kaya’t mainam na magpabakuna na ang mga hindi pa nabakunahan.
Dahil punong punong ang naturang pagamutan at tumaas ang kaso ng COVID-19 patients sa CVMC ay ipinalik nila ang 250 COVID-19 beds .
Maging ang mga nakalatalagang Doctors, Nurses, Med-tech (TEK) ay ipinalik na nila sa kanilang COVID-19 ward upang maging handa sa pagtaas ng COVID-19 patients.
Sa ngayon ay ang mga extreme cases na lamang ang tinatanggap ng CVMC dahil punuan na ang Non Covid-19 ward at Covid ward ng naturang pagamutan.
Karamihang naka-confined ngayon sa CVMC ay ang mayroong respiratory infections, hypertensions at Gastroenteritis.










