--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumaba na sa kalahati ang mga COVID-19 patients sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC na natutuwa siya dahil malaki na ang ibinaba ng mga pasyente sa COVID ward ng pagamutan.

Kaninang alas sais ng umaga ay nasa walumpo na lamang ang kanilang pasyente na kalahati sa mga naitatala nila sa mga nagdaang buwan na mahigit isang daan at umabot pa sa 163 ang record high.

Malaki aniya ang naitulong ng pagsailalim ng lalawigan ng Cagayan sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) para bumaba ang naaadmit sa CVMC dahil karamihan ay mula sa Cagayan.

--Ads--

Umaasa sila na magtuluy-tuloy na ito at payo niya sa publiko na ipagpatuloy lamang ang pagsunod sa mga minimum health protocols para mawala na ang COVID-19.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao.