--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumaba na ang mga pasyente sa  COVID-19  sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glen Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC  na napakalaki ang ibinaba ng bilang ng COVID-19 patients na ginagamot ngayon  na  nasa 138   kumpara sa  mga nagdaang araw na umabot  ng  180 hanggang 190 .

Sa 138   na bilang ay 121 confirmed COVID-19  cases   habang  labimpitu ang suspect case.

Sa nasabing bilang ay 84 ang mula sa lalawigan ng Cagayan at  ang Tuguegarao City ang may pinakamataas na umabot sa 53.

--Ads--

Tatlumput isa ang galing  sa Isabela;  7  sa Lunsod ng Ilagan; 5 sa Cabagan, tig-tatlo sa Reina Mercedes at Tumauni, apat sa  Roxas,  dalawa sa Santo  Tomas at  tig-iisa sa mga bayan ng Gamu, San  Mateo, San Pablo, Benito Soliven, San Agustin, Delfin Albano at Naguillian.

Sa Batanes ay may anim na  dinalang pasyente sa CVMC  at isa na lamang ang naka-confine at   nakatakda nang lumabas ngayong araw.

Tatlong COVID-19 patients ang mula sa Kalinga at  dalawa  sa Conner, Apayao.

Umaasa si Dr, Baggao na bababa pa ang kaso ng COVID-19 ay dahil mabilis na ang vaccination rollout at  pagsunod ng mga health protocols ng mga mamamayan tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield ay pagsunod sa social distancing.

Nanawagan  siya sa mga mamamayan na magpabakuna na dahil ligtas ang bakuna at ito lamang ang makapagbibigay ng proteksiyon sa bawat Pilipino.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.