
CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 19 ang Coronavirus Disease (COVID-19) positive sa Cauayan City matapos na maitala ang 9 na bagong positibong kaso.
Dalawa sa bagong COVID-19 positive na sina CV1962 at CV1964 ay empleyado ng isang pribadong ospital na nagkaroon ng exposure sa unang nagpositibo na si CV1821.
Sila ay nasa pangangalaga na ng LGU Quarantine Facility.
Ang apat na sina CV1979, CV1980, CV1981 at CV1982 ay vendors sa ilang puwesto sa Private Market (Primark).
Ito ang dahilan kung bakit pansamantalang isinara ang bahagi ng Primark para sa disinfection at contact tracing ng Cauayan City Health Office.
Samantala, ang tatlo na sina CV1983, Cv1984 at CV1985 ay mga kamag-anak ni CV1828.
Sila ay isinailalim sa strict home quarantine mula nang magpositibo si CV1828.




