
CAUAYAN CITY – Sampung bagong COVID-19 positive ang naitala sa region 2 kaya umakyat na sa 140 ang kabuuang bilang.
Ang unang kaso ay si CV131 na isang 30 anyos na babae mula sa Lallo, Cagayan na galing sa Pasay City at asymptomatic.
Ang ikalawa ay si CV132 na 42 anyos na babae mula sa Enrile, Cagayan na galing sa Quezon City at asymptomatic.
Ang ikatlo ay si CV133, 27 anyos na babae mula sa San Manuel, Isabela at galing sa Makati City at asymptomatic.
Ang ikaapat ay si CV134, 46 anyos na lalaki mula sa Baggao, Cagayan na galing sa Maynila at asymptomatic.
Ang ikalima ay si CV135, 41 anyos na babae mula sa Baggao, Cagayan, galing sa Malabon City at asymptomatic.
Ang ikaanim ay si CV136, 48 anyos na babae mula sa Alicia, Isabela na galing sa Quezon City at nakaranas ng ubo mula noong June 30.
Siya ay nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City.
Ang ikapito ay si CV137, 29 anyos na babae mula sa Cordon, Isabela na walang naitalang kasaysayan ng paglalakbay.
Siya ay nakaranas ng lagnat at nasa pangangalaga ng SIMC.
Ang ikawalo ay si CV138, 33 anyos na babae mula sa Echague, Isabela at OFW na galing sa Kuwait.
Siya ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Pamahalaang Panlalawigan sa Cordon at asymptomatic.
Ang ikasiyam ay si CV139, 36 anyos tao na babae mula sa Tumauini, Isabela at OFW na galing sa Saudi Arabia.
Siya ay nasa pangangalaga ng quarantine facility ng Pamahalaang Panlalawigan sa Cauayan City at asymptomatic.
Ang ikasampu ay si CV140, 36 anyos na babae mula sa Roxas, Isabela na galing sa Makati City at asymptomatic.
Samantala, umabot na sa 21 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang naka-confine ngayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC, sinabi niya na kagabi ay may naidagdag na apat kaya mula sa 17 ay umabot na ito ng 21.
Ayon kay Dr. Baggao, sa 21 na kumpirmadong kaso ay 10 ang taga-Cagayan at 11 ang taga-Isabela.
Samantala, mayroon din silang lima na suspect case ngayon kaya 26 ang naka-confine sa kanilang mga isolation room.










