--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 177 ang mga COVID-19 positive sa region 2 matapos na maitala ang walong bagong positibo.

Una  si CV170,  28 anyos na babae mula sa Alcala, Cagayan,  galing sa Pasay City at nagkaroon ng kasaysayan ng paglalakbay sa Singapore.

Ikalawa si CV171, 34 anyos na lalaki  mula sa Rizal, Cagayan, OFW at bumiyahe sa Maynila noong July 3, 2020.

Siya ay nasa pangangalaga ng Philippine Arena facility quarantibe sa Bulacan at  asymptomatic.

--Ads--

Ikatlo si CV172, 39 anyos na lalaki  mula sa San Isidro, isabela, OFW na galing sa Saudi Arabia  at  asymptomatic.

Ikaapat si CV173, 30 anyos na lalaki mula sa Quezon, Isabela at  OFW na galing sa Bahrain.

Ikalima si CV174, 47 anyos na lalaki  mula sa San Agustin, Isabela at  OFW na galing sa Bahrain.

Ikaanim si CV175, 45 anyos na lalaki  mula sa Bayombong, Nueva Vizcaya at OFW na galing sa Qatar.

Ikapito si CV176, 32 anyos na lalaki mula sa San Manuel, Isabela at galing sa Valenzuela City.

Ikawalo si CV177, 57 anyos mula sa Naguilian, Isabela at OFW na galing sa Saudi Arabia.

Ang mga bagong positibo sa rehiyon ay pawang asymptomatic o walang nararanasang sintomas ng COVID-19.

Ang contact tracing para sa lahat ng posible nilang nakasalamuha ay isinasagawa na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kasama ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at Isabela at mga lokal na pamahalaan sa mga bayan kung saan sila nakatira.