--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 206 ang COVID-19 positive sa region 2 dahil sa bagong 16 na naitala ng Department of Health(DOH) region 2.

Ang una ay si CV191 na taga-Solana, Cagayan, 29 anyos na babae na OFW na galing sa Saudi Arabia.

Ikalawa si CV192 na taga-Kasibu, Nueva Vizcaya, 30 anyos na babae at OFW na galing sa Saudi Arabia.

Ikatlo si CV193 na taga-Alfonso Castanieda, Nueva Vizcaya, 22 anyos na lalaki na LSI at galing sa Sampaloc, Maynila.

--Ads--

Ikaapat si VC194 na taga-City of Ilagan, 50 anyos na lalaki.

Ikalima si CV195 na taga-City of Ilagan, 30 anyos na lalaki.

Ikaanim si CV196 na taga-City of Ilagan, 59 anyos na lalaki.

Ikapito si  CV197 na taga-City of Ilagan, 56 anyos na lalaki.

Ikawalo si CV198 na taga-City of Ilagan, 38 anyos na lalaki.

Ikasiyam si CV199 na taga-City of Ilagan, 32 anyos.

Ang anim na COVID-19 positive na taga-City of Ilagan ay pawang manggagawa sa isang construction site sa Iguig , Cagayan at nakasalumuha ang mga kasamang  sina CV186, 187 at 188.

Ikasampu si CV200 na taga-Tuguegarao City, 34 anyos na lalaki na LSI at galing sa Quezon City.

Ikalabing-isa si CV201 na taga-Tuguegarao City, 25 anyos na babae na LSI na galing sa Makati City.  

Ikalabindalawa si CV202 na taga-Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, 43 anyos na lalaki na LSI at galing sa Mandaluyong City.

Ikalabintatlo si CV203 na taga-Tuao, Cagayan, 36 anyos ana lalaki,  LSI na galing sa Quezon City at nakaranas ng ubo at sipon.  

Ikalabing-apat si  CV204 na taga-Peniablanca, Cagayan, LSI na galing sa Taguig City at nakaranas ng lagnat.

Ikalabinlima si CV205 na 1 anyosna batang babae na taga-Calamaniugan, Cagayan, LSI na galing sa Caloocan City.

Ang bata ay nahawaan ng kanyang mga magulang na sina CV184 at 185.

Ikalabing-anim si CV206 na taga-Iguig, Cagayan, 26 anyos na babae at LSI na galing sa Quezon City.

Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong COVID-19 positive sa region 2.