--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 190 ang mga Coronavirus Disease (COVID-19) positive sa region 2 matapos maitala ng Department of Health (DOH) region 2 ang dalawang Locally Stranded Indivisual (LSI) na bagong nagpositibo sa virus.

Ang unang kaso ay si CV189, 64 anyos na senior citizen na lalaki mula sa Sta. Maria, Isabela.

Siya ay may kasaysayan ng paglalakbay sa Santa Ana, Manila at nakarating sa Isabela noong July 1, 2020.

Nakuhanan siya ng sample para sa swab test noong July 13, positibo ang resulta nito at nasa pangangalaga ngayon ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

--Ads--

Ang ikalawang bagong COVID-19 positive ay si CV190 na 26 anyos na babae mula sa Gamu, Isabela.

May kasaysayan siya ng paglalakbay sa Maynila at nakarating sa Isabela noong June 30, 2020.

Positibo siya sa swab test, nasa pangangalaga ngayon ng quarantine facility ng lokal na pamahalaan at asymptomatic.