
CAUAYAN CITY – Nakapagtala kahapon ng 10 bagong COVID-19 positive ang Department of Health (DOH) region 2 kaya umakyat na sa 130 ang naging positive sa rehiyon dos.
Sa 10 bagong positibong pasyente ay apat ang galing sa Santiago City; dalawa sa Enrile, Cagayan; dalawa rin sa Tuao, Cagayan at tig-iisa sa mga bayan ng Sanchez Mira at Amulong, Cagayan.
Siyam sa mga nagpositibo ng virus ay mga Locally Stranded Individual (LSI) habang ang tag-Sanchez Mira ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) na galing sa United Kingdom.
Nanatiling asymptomatic ang 9 na COVID-19 positive patient bukod kay CV129 na residente ng Tuao, Cagayan na nakakaranas ng ubo at sipon.
Nanawagan ang DOH region 2 sa patuloy na kooperasyon ng mga mamamayan para labanan ang virus sa pamamagitan ng pagsunod sa mga guidelines at health protocols.
Kailangan na ipagpatuloy ang pagsusuot ng facemask tuwing lalabas ng bahay, palaging paghuhugas ng mga kamay o paggamit ng alcohol at sanitizer at pagsunod sa physical distancing.










