
CAUAYAN CITY – Umabot na sa 188 ang mga COVID-19 positive sa region 2 matapos na madagdagan ng bagong 11 na naitala ng Department of Health (DOH) region 2.
Ang una ay si CV178 na 34 anyos na lalaki na taga-Mallig, Isabela at OFW na galing sa Dubai
Ikalawa si CV179 na 30 anyos na lalaki na taga-Quezon, Isabela at OFW na galing sa Canada.
Ikatlo si CV180 na 41 anyos na babae na taga-Delfin Albano, Isabela na galing sa Caloocan City at naka-confine sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC ) sa Tuguegarao City.
Ikaapat si CV181 na 20 anyos na babae na taga-Aurora, Isabela, galing sa Paranaque City at nakasalamuha si CV152.
Ikalima si CV182 na batang lalaki na 9 anyos na taga-Lasam, Cagayan at galing sa Caloocan City.
Ikaanim si CV183 na 16 anyos na dalagita na taga-Calamaniugan, Cagayan at galing sa Caloocan City.
Ikapito si CV184 na 21 anyos na lalaki na taga-Calamaniugan, Cagayan at galing sa Caloocan City.
Ikawalo si CV185 na 35 anyos na lalaki na taga-Alfonso Castanieda, Nueva Vizcaya na galing sa Makati City at nasa DOH-NCR quarantine facility.
Ikasiyam si CV186 na 48 anyos na lalaki taga-Iguig, Cagayan, galing sa Pasig City at nakasalamuha sa CV152.
Ikasampu si CV187 na 41 anyos na lalaki na taga-Iguig, Cagayan at nakasalamuha si CV152.
Ikalabing-isa si CV188 na 20 anyos na lalaki na taga-Iguig, Cagayan at nakasalamuha si CV152.
Ang sampung bagong COVID-19 positive ay asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng sakit.










