--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 228 ang COVID-19 positive sa region 2 matapos makapagtala ng walong bagong kaso  ang Department of Health (DOH) region 2 kahapon, July 19, 2020 at 10 ngayong araw.

Ang unang kaso ay si CV212 na mula Santiago City, 29 anyos na babae,  Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Antipolo City, Rizal.

Ikalawa si CV213 na mula sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, 26 anyos na lalaki, isa ring LSI na galing sa Manila.

Ikatlo si CV214 na mula sa Bagabag, Nueva Vizcaya, 40 anyos na lalaki at OFW na galing sa Qatar.

--Ads--

Ikaapat si CV215 na mula sa Iguig, Cagayan, 27 anyos na lalaki, LSI na galing sa Quezon City at nakasalamuha si CV206.

Ikalima si CV216 na mula sa Iguig, Cagayan, 23 anyos na babae, LSI na galing sa Quezon City at nakasalamuha rin si CV206.

Ikaanim si CV217 na taga-Cauayan City, 31 anyos na lalaki at  OFW na galing sa Qatar.

Ikapito si CV218 na taga-Jones, Isabela, 29 anyos na lalaki at   LSI na galing sa Laguna.

Ikawalo ang isang 41 anyos na lalaki na taga-Quezon City at nagpunta sa Santa Ana, Cagayan upang mag-install ng Uninterruptible Power Supply (UPS).

Siya ay kabilang sa confirmed cases ng National Capital Region (NCR).

Ikasiyam si CV219 na mula Lal-lo, Cagayan, 45 anyos , driver na galing sa Makati City.

Ikasampu si CV220 na mula Benito Soliven, Isabela, 20 anyos na babae at LSI na galing sa Antipolo City.

Ikalabing-isa si CV221 na mula Aurora, Isabela, 39 anyos na lalaki na LSI na galing Manila.

Ikalabindalawa si CV222 na mula Mallig, Isabela, 32 anyos na lalaki at LSI na galing Pasig City.

Ikalabintatlo si CV223 na mula Cabagan, Isabela, 23 anyos na babae na LSI na galing sa Quezon City.

Ikalabing-apat si CV224 na mula Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, 45 anyos, LSI na galing sa Mandaluyong City, nakaranas ng ubo at pamamaga ng lalamunan at nakasalamuha ang kinakasama na si CV202.

Ikalabinlima si CV225 na mula Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, 8 anyos na anak nina CV202 at CV224.

Ikalabing-anim si CV226 na mula Aritao, Nueva Vizcaya, 62 anyos na lalaki at LSI na galing sa Manila.

Ikalabimpito si CV227 na mula Piat, Cagayan, 37 anyos na babae na LSI, galing sa Quezon City at nakaranas ng ubo at pamamaga ng lalamunan.

Ikabingwalo si CV228 na mula Gattaran, Cagayan, 9 anyos na babae na LSI at galing sa Quezon City.

Isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong COVID-19 positive.