--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 304 ang COVID-19 positive sa region 2 matapos na makapagtala ng bagong apat ang Department of Health (DOH) region 2 .

Una si CV301 na 32 anyos na lalaki, Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Taguig City at residente ng Lal-lo, Cagayan.

Pangalawa si CV302, 23 anyos na babae, isa ring LSI na galing sa Taguig City at residente ng San Pablo, Isabela.

Pangatlo si CV303, 4 anyos na babae, LSI na galing sa Caloocan City at residente ng Cauayan City.

--Ads--

Pang-apat si CV304, OFW mula sa Qatar at residente ng Tumauini, Isabela.

Ang mga bagong kaso ay pawang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID-19.

Isinasagawa na ang contact tracing sa kanilang mga nakasalamuha.