--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 313 ang COVID-19 positive sa region 2 matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) region 2 ng bagong anim na positibo.

Una ay si CV308 na 56 anyos na babae mula sa Naguilian, Isabela at Locally Stranded Individual (LSI) na galing sa Quezon City.

Siya ay nakaranas ng lagnat, ubo at sipon at nasa  Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Lunsod ng Santiago.

Ikalawa si CV309, 67 anyos na lalaki mula sa Naguilian, Isabela at LSI na galing sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

--Ads--

Ikatlo si CV310, 51 anyos na babae mula sa Echague, Isabela at LSI na galing sa Quezon City.

Ikaapat si CV311, 50 anyos mula sa Gamu, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nakasalamuha si CV307.

Ikalima si CV312, 59 anyos na lalaki na mula Piat, Cagayan at nakaranas ng ubo, pamamaga ng lalamunan at nasa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Lunsod ng Tuguegarao.

Ikaanim si VC313, 2 anyos na batang lalaki mula sa Delfin Albano, Isabela at LSI na galing sa Antipolo City.