--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 56 ang tinamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa region 2 matapos na maitala kahapon, June 23, 2020 ang 7 na bagong COVID-19 positive patients sa Isabela at Cagayan.

Sa 56 na naitalang positibo  ng COVID-19 sa rehiyon dos  ay 17 ang active cases.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Llexter Guzman,  Information Officer ng Department of Health (DOH) region 2, sinabi niya na tatlo ang bagong kaso ng COVID-19 sa Aurora, Isabela, tatlo rin sa City of Ilagan at isa sa Solana, Cagayan.

--Ads--

Ang  tatlong  bagong nagpositibo sa COVID-19 sa Aurora, Isabela  ay  sina  CV50, 34 anyos na Overseas Filipino Worker (OFW); CV51, 35 anyos na galing sa Maynila at  CV52, 44 anyos na OFW.

Ang  dalawang  OFW  ay sumakay sa OWWA bus noong June 19, 2020  pauwi sa Isabela.

Ang  dalawang OFW ay negatibo sa swab test ngunit nang dumating sila sa  Aurora, Isabela ay idiniretso sila sa  quarantine facility, isinailalim sa  swab test at positibo ang resulta.

Ang dalawang OFW ay walang sintomas o asymptomatic ngunit si CV51 na galing sa Maynila ay may sintomas kaya isinailalim sa swab test.

Si CV51 ay sumakay sa bus na ginamit ng Aurora LGU sa Balik-Probinsiya Program.

Isasailalim sa swab test ang kanyang mga nakasabayan sa bus.

Ang tatlong COVID-19 positive patient ay dinala  sa Southern Isabela Medical Center o SIMC  sa Santiago City.

Sinundan ito  ng tatlo ring naitala sa City of Ilagan at isang taga-Solana, Cagayan na pawang  mga Locally Stranded Individuals (LSI).

Ito ay kinabibilangan ni CV54 na 22 anyos na residente ng Camunatan, City of Ilagan na galing sa Quezon City at nakakaranas ng ubo at sipon.

Si CV55 na 19 anyos babae na taga Naguilian Sur, City of Ilagan na galing sa Pasay City at nakakaranas ng ubo.

Sumunod si CV56 na  39 anyos na residente ng Calamagui 2nd, City of Ilagan na galing  sa Taguig City at asymptomatic.

Umuwi sila sa City of Ilagan noong June 18, 2020 at sabay-sabay na  isinailalim sa swab test noong June 20, 2020 positive ang resulta.

Ang residente naman ng Solana, Cagayan na COVID-19 positive na nagtatrabaho  sa  Santiago City.

Kasalukuyan na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng 7 COVID-19 positive patients.

Ang pahayag ni Mr. Llexter Guzman ng DOH region 2