--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat na sa 61  ang  COVID-19 positive sa region 2 matapos  na  madagdagan ng apat kahapon.

Sa 4 na bagong COVID-19 positive patient ay tatlo  ang mula sa Baggao, Cagayan at isa ang mula sa  City of Ilagan.

Si CV58 ay 26 anyos na  babae habang si CV59  ay 24 anyos na lalaki na kapwa galing sa Quezon City at umuwi sa Baggao, Cagayan sakay ng pribadong sasakyan.

Pagdating nila sa bayan ng Baggao ay dinala sila sa quarantine facility ng LGU at isinailalim sa swab test na positibo ang resulta.  

--Ads--

Ang ikatlong COVID-19 positive patient na si CV 60  ay 45 anyos na OFW mula  sa Riyadh, Saudi Arabia at umuwi sa City of Ilagan noong June 15, 2020.

Nakasalamuha ni CV60 si CV45 sa sinakyan nilang bus na inarkila ng OWWA para sa kanilang pag-uwi sa region 2.

Ang ikaapat na COVID-19 positive patient ay mula rin  sa Baggao, Cagayan.

Siya ay 20 anyos na lalaki na galing sa  Quezon City at nakauwi noong June 21, 2020.

Nagsasasagawa na ng  contact tracing ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ng Department of Health (DOH) region 2 katuwang ang mga LGU ng Baggao at City of Ilagan sa lahat ng mga nakasalamuha ng 4 na bagong kaso ng COVID-19 sa region 2.

Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na  sinundo na ng kanilang ambulansiya ang mga positibo ng COVID-19 sa Baggao, Cagayan at sa Lunsod ng Ilagan.

Sinabi pa ni Dr. Baggao na negatibo na ang resulta ng  ikalawang swab test ng dalawang COVID-19 positive patient mula sa Solana, Cagayan at Santa Rita, Aurora, Isabela na isang 41 anyos.  

Sa ngayon ay 7 na lang ang  ginagamot na COVID-19 positive patient sa CVMC  habang  13 ang suspect case.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao