--Ads--

CAUAYAN CITY – Umakyat  na  sa 77 ang  Coronavirus Disease (COVID-19) positive  sa ikalawang rehiyon matapos madagdagan ito ng dalawa kahapon.

Una ay si CV76 na  66 anyos na babae mula sa  Amulung, Cagayan.

Mayroon siyang kasaysayan ng paglalakbay sa Antipolo City, Rizal at nakauwi sa kanilang bayan noong June 25, 2020 at isinailalim sa quarantine facility ng pamahalaang lokal ng Amulung.

Nakuhanan din siya ng swab specimen noong June 25, 2020 at positibo ang resulta.

--Ads--

Walang sintomas ng sakit ang pasyente na nasa pangangalaga ng LGU Amulung.

Ikalawa si CV77 na 30 anyos, OFW mula sa Dubai at nakauwi sa Pilipinas noong June 19, 2020 at nakauwi sa kanilang bayan sa Baggao, Cagayan noong June 24, 2020.

Isinailalim din ang pasyente sa quarantine facility na itinalaga ng pamahalaang lokal ng Baggao.

Nakuhanan siya ng swab specimen sample noong June 25, 2020 at positibo ang resulta nito sa virus.

Wala ring sintomas ng sakit ang pasyente sa kasalukuyan at nasa pangangalaga ng LGU Baggao.

Nagsasagawa na ng contact tracing ang DOH sa pamamagitan ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) kasama ang pamahalaang panlalawigan ng Cagayan at pamahalaang lokal ng Amulung at Baggao.