
CAUAYAN CITY – Naitala kahapon ng Department of Health (DOH) region 2 ang bagong siyam na Coronavirus Disease (COVID-19) positive kaya umakyat na sa 87 sa buong rehiyon.
Ang unang kaso ay si CV79, 41 anyos mula sa Amulung, Cagayan, bumiyahe Pasig City at positibo sa swab test.
Nakaranas siya pananakit ng tiyan kaya ipinakunsulta ng LGU sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tugegarao City bilang outpatient ngunit isinailalim sa swab test at positibo ang resulta.
Ang ikalawang COVID-19 positive ay si CV80 na 36 anyos, residente ng Alicia, Isabela at OFW na galing sa Saudi Arabia.
Idiniretso siya sa quarantine facility ng pamahalaang panlalawigan sa Ramon, isabela at positive ang resulta ng kanyang swab test.
Ang ikatlong COVID-19 positive ay si CV81 na 27 anyos, residente ng Cauayan City at OFW mula sa Saudi Arabia.
Siya ay sumailalim sa swab test habang nasa quarantine facility sa Ramon, Isabela at positibo ang resulta.
Ang ikaapat ay si CV82, 22 anyos, taga-Aurora, isabela at OFW mula sa United Arab Emirates at positibo ang resulta ng kanyang swab test.
Ang ikalimang nagpositibo ay si CV83, 25 anyos mula sa Quezon, Isabela at galing sa Caloocan City at positibo ang resulta ng kanyang swab test.
Ang ikaanim na kaso ay si CV84, 29 anyos na buntis na residente ng Cauayan City at OFW sa Dubai.
Ang pasyente ay isinailalim sa swab test na nagpositibo ang resulta ngunit nanatiling asymptomatic.
Ang ikapito ay si CV85, 37 anyos, OFW sa Jakarta, Indonesia at positibo sa swab test.
Ang ikawalong positibo ay si CV86, 41 anyos na babae mula sa City of Ilagan at galing sa Quezon City.
Siya ay isinailalim sa quarantine at nagpositibo sa swab test.
Ang ikasiyam ay si CV87 na 36 anyos na lalaki mula sa San Mariano, Isabela at nagtungo sa Taguig City.
Nagsasagawa na ang DOH-RESU at mga LGU ng contact tracing sa mga posibleng nakasamaluha ng mga nagpositibo sa COVID-19.










