CAUAYAN CITY– Iginiit ni Punong Barangay Norberto Valdez ng Sta. Isabel sur, Ilagan City na ang naging batayan nila sa pagdedeklara ng persona non grata laban sa CPP- NPA at kay Cita Managuelod, lider magsasaka ay ang pagsasagawa nito ng pagupulong na hindi naipapaalam sa mga opisyal ng barangay.
Maging ang pamamahagi umano nito ng mga polyeto kung saan nakasaad ang pag-aaklas laban sa pamahalaan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Barangay Kapitan Valdez na nakipag-ugnayan siya sa pamunuan ng 95th Infantry Battallion upang isangguni ang kabuoang nilalaman ng mga polyeto na ipinamamahagi ni Managuelod.
Batay anya sa pagsusuri ng 95th Infantry Battalllion iba umano ang intensiyon ng nasabing mga polyeto.
Anya taong 2016 ng magsimulang mabuo ang grupong Danggayan Daguiti Mannalon (DAGAMI) na pinamumunuan ni Managuelod kung saan marami umano sa kanilang mga kabarangay ang nahikayat na sumapi.
Anya nagkakagulo umano sa kanilang barangay dahil sa ipinaglalaban na tabacco excise tax ng grupo ni Managuelod.
Nanindigan naman si Barangay Kapitan Valdez na hindi siya natatakot sa kanilang pagdeklarang persona non-grata sa CPP-NPA at kay Managuelod.
Nanindigan din siya na lahat ng problema sa loob ng kanilang barangay ay kaya nilang lutasin sa tulong ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Ilagan.
Samantala, inihayag ni Cita Managuelod na handa siyang makipag-usap sa mga opisyal ng Barangay Sta. Isabel Sur upang maipaliwanag ang kanilang panig.
Inihayag naman ng pamunuan ng 95th IB na handa nilang bigyan ng proteksiyon ang mga opisyal ng Barangay ng Santa Isabel Sur laban sa makakaliwang.





