--Ads--

Ipinasakamay na ng LGU Cauayan ang 15 na decibel meter sa hanay ng POSD, PNP, LTO at HPG Isabela bilang bahagi ng pagpapaigting sa pagbabawal ng maiingay na tambutso sa lungsod.

Sa isinagawang turnover ceremony ngayong araw sa Cauayan PS, pormal na ipinasakamay ni Mayor Caesar Jaycee Dy ang mga decibel meter sa mga awtoridad upang magamit sa pagpapatupad ng batas sa lansangan.

Ayon sa mayor, mas mapapadali ang panghuhuli sa mga pasaway na motorista dahil marami silang natatanggap na reklamo hinggil sa mga motor na maiingay, lalo na tuwing madaling araw.

Aniya, nagdudulot ito ng istorbo sa mga residente sa lungsod kaya’t dapat nang hulihin ang mga pasaway.

--Ads--

Paalala pa nito sa publiko, bawal ang open pipe na tambutso sa lungsod at huhulihin ito ng mga awtoridad.

Makakatulong ang decibel meter upang masuri ang lakas ng tunog ng tambutso ng mga nagmamaneho sa lansangan.

Sinumang lalabag ay huhulihin at iimpound ang kanilang mga motorsiklo.