Puntirya ng Creamline ang ika-20 semifinals appearance sa pagharap sa Akari sa kanilang knockout game sa play-in stage ng 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.
Nakatakda ang banggaan ng Cool Smashers at Chargers ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang salpukan ng Nxled Chameleons at Farm Fresh Foxies sa alas-4 ng hapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
Nauna nang sumampa ang sister teams PLDT High Speed at Cignal Super Spikers sa round robin semifinals.
Hahataw ang semis sa Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.
Talo ang Creamline sa Cignal, sa kanilang Qualifying Round match kung saan nagtala si Alyssa Valdez ng ikalawang sunod na triple-double na 18 points, 20 receptions at 19 digs.
Galing naman ang Akari sa pagsibak sa Choco Mucho sa play-in round.
Muling makakatulong ni Valdez sa Creamline sina Bernadeth Pons, Tots Carlos, Michele Gumabao, Pangs Panaga, Bea De Leon at setter Jia De Guzman.
Bukod kay Soyud ay aasa ang Akari kina Ivy Lacsina, Grethcel Soltones, Fifi Sharma, setter Mars Alba at libero Justine Jazareno.
Paglalabanan din ng Nxled at Farm Fresh ang isa sa dalawang semis ticket.






