--Ads--

CAUAYAN CITY – Bumaba ang natatalang krimen sa bayan ng Angadanan mula Enero hanggang Mayo ng hanggang 45.45% kumpara noong nakaraang taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Alex Galutera, Deputy Chief of Police ng Angadanan Police Station, sinabi niya na mababa ang crime volume nila at walang naitalang 8 focus crimes.

Sa kabila nito ay nagpapatuloy ang maigting na pagsasagawa nila ng Ronda Patrol at Anti-Criminality Checkpoints.

Aniya, ang magandang datos at mababang krimen ay bunga ng magandang koordinasyon ng Pulisya at komunidad.

--Ads--

Sa ngayon ay nakakapagtala pa rin sila ng mga paglabag sa PD 1602 o Anti Illegal Gambling Act.

Ayon kay PCapt. Galutera, sa mga ikinasang operasyon kontra iligal na pagsusugal ay nakadakip na sila ng siyam.

Samantala, sumampa na sa 882 ang nahuling lumalabag sa local ordinances, habang may naitalang 52 na lumabag sa seat belt law.

Patuloy naman ang paalala ng PNP sa mga magulang na hangga’t maaari ay huwag nilang hayaang magmaneho ng motorsiklo ang mga menor de edad na anak ngayong pasukan dahil sa ipinagbabawal ito sa batas.

Babala niya sa mga menor de edad na mahuhuling nag mamaneho ng motorsiklo na ipapatawag ang kanilang mga magulang para panagutan kung sakaling masangkot ang kanilang mga anak sa aksidente.