--Ads--

CAUAYAN CITY – Naging mabisa ang ginagawang anti-criminality operation ng Santiago City Police Office (SCPO) para manguna sa region 2 sa crime solution and crime clearance efficiency.

Ito ay batay sa report ng Police Regional Office 2 (PRO2) sa ginanap na Regional Peace and Order Council Meeting sa Cauayan City.

Ayon sa PRO2, tumaas ang crime solution efficiency ng mga himpilan ng pulisya sa region 2 sa unang bahagi ng taon kumpara sa katulad na panahon noong 2018.

Pinakamataas ang Santiago City Police Office na mayroong 90.41% crime solution efficiency habang pinakamababa ang Batanes sa 50% crime solution efficiency.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol Melchor Arreola, ang hepe ng PNP Traffic Management Group at spokesperson ng SCPO, sinabi niya na dahil sa pakikipagtulungan sa kanila ng mga mamamayan at sa kanilang mahigpit na anti-criminality operation ay agad nilang nalulutas ang mga crime incident sa kanilang nasasakupang lugar.

Kasunod ng pagtaas ng kanilang crime clearance ay ang pagbaba ng kanilang crime volume kasama na ang index at non-index crime.

Ayon kay PLtCol Arreola, nalutas ang isang krimen kapag naaresto at nasampahan ng kaso ang suspek habang crime cleared kapag natukoy pa lamang ang suspek at naisampa ang kaso sa korte.