--Ads--

CAUAYAN CITY – Maituturing na panalo at bayani ang koponan ng Croatia kahit na sila ay mabigo sa laban kontra sa France sa final ng FIFA World Cup na gaganapin bukas ng alas onse ng gabi oras sa pilipinas.

Ito ang naging pagpapahayag ni Russian Football player Dimitry Doroshenko sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Aniya, hindi umano nila akalaing makakapasok sa final ang Croatian team dahil sa mga malalakas na grupo na namayagpag sa mga nakalipas na torneo.
Gayunpaman ay magiging interesting umano ang laban.

Malaki rin umano ang kanyang paniniwala na ang France ang mananalo dahil sa nakita ang kanilang kahandaan matapos talunin ang koponan ng Belgium at lalo pang pinaghandaan kanilang laban sa finals ng FIFA Worl Cup 2018.

--Ads--

Naniniwala anya siyang magiging kampeon ang France dahil sa matatangkad ang mga players bukod pa sa mas maraming batang manlalaro kumpara sa ibang team.

Malaking panlaban din aniya ng France ang mabibilis na pagtakbo ng kanilang mga manlalaro na ikinumpara pa niya sa bilis ng takbo ng cheetah.