--Ads--

Nakapagtala ng bagong Guinness World Record si Daisy Ptak, isang 39-anyos na ina mula California, U.S.A., para sa “longest crocheted scarf by an individual.” Ang kanyang obra ay umabot sa 981 feet at 11 inches ang haba, halos kasinghaba ng isang cruise ship.

Nagsimula si Daisy sa proyektong ito noong Pebrero 2023, isang taon matapos niyang matutunan ang paggagantsilyo bilang alternatibo sa labis na paggamit ng gadgets. Sa kabuuan, gumastos siya ng mahigit $1,000 sa yarn, ngunit malaki ang naitulong ng mga donasyon mula sa pamilya at mga kaibigan upang maisakatuparan ang kanyang layunin.

Matapos pormal na kilalanin ang kanyang world record, hindi niya ipinagkait ang tagumpay, ipinamahagi niya ang mga seksiyon ng scarf bilang regalo, donasyon, at isinubasta para sa mga charitable causes.

Ang tagumpay ni Daisy Ptak ay patunay na sa pamamagitan ng tiyaga, sining, at malasakit, maaaring humantong ang isang simpleng libangan sa pandaigdigang pagkilala at makabuluhang pagtulong sa kapwa.

--Ads--