--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinikayat ng tanggapan ng Civil Service Commission (CSC) Isabela ang mga lokal na pamahalaan at mga tanggapan ng pamahalaan na magpatupad ng 4 day work a week kasunod ng pagsasailalim na sa bansa ng State of Public Emergency dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Rewina Arugay ng CSC Isabela, sinabi niya na ang ibinaba ng kanilang punong tanggapan na Memorandum Circular number 7 series of 2020 o ang interim guidelines for alternative work arrangement sa panahon ng state of public health emergency ng bansa ay hindi saplitan.

Hindi anya mandatory ang nasabing memorandum circular kundi hinihikayat lamang ang mga ahensiya ng pamahalaan at Local Government Units.

Kapag ini-adapt ng mga tanggapan ng pamahalaan o LGUs ang 4 day work a week ay kinakailangan nilang maglabas ng guidelines o internal rules and regulation kung paano ito ipapatupad.

--Ads--

Halimbawa na rito ay kinakailangang tukuyin kung sino ang mga papasok ng Lunes hanggang Huwebes at kung sino naman ang papasok mula Martes hanggang Biyernes.

Dapat din anyang makapagtrabaho ang isang empleyado ng apatnapong oras sa loob ng isang linggo.