CAUAYAN CITY – Nakahanda na ang Civil Service Commission Isabela para sa darating na Civil Service Examination sa March 3.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Director Valnizan Calubaquib ng Civil Service Commission Isabela na umabot sa 5,340 ang examinees sa Isabela sa isasagawang Civil Service Examination sa Linggo, March 3.
Sa naturang bilang ay naabot nila ang kanilang quota at kaunti lamang ang sobra.
Isasagawa ito sa anim na paaralan o testing centers sa Cauayan City kabilang ang Cauayan City National High School, Senior High School, Cauayan City North Central School, Cauayan City South Central School, Isabela State University at San Fermin Elementary School.
Sa araw ng pagsusulit ay dalhin lamang ang application receipt, ID card na ginamit sa pag-aapply at black ballpen.
Tiniyak naman niya na may mga medical staff na nakaantabay at may room inspection din para matiyak ang kaligtasan ng mga examinees lalo na ngayon at nakakaranas ang bansa ng El Niño phenomenon.