--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng matinding paalala ang Civil Service Commission o CSC Region 2 sa mga dapat at hindi dapat gawin ng mga empleyado ng pamahalaan ngayong halalan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay CSC Regional Director Atty. Marites Lappay, sinabi niya na kamakailan ay nagkaroon sila ng webinar bilang paalala sa mga Government Employee na manatiling Apolitical at huwag makisawasaw sa usapin ng politika ngayong halalan.

Aniya, paulit-ulit ang paalala nila dahil sa joint circular katuwang ang Lupon ng Halalan o COMELEC kung saan pinagbabawal ang mga Government employees na gumawa ng anumang hakbang may kaugnayan sa partisan political activity.

Ilan sa mga Ipinag babawal sa ilalim ng kautusan ng COMELEC ang paglilipat ng tao o empleyado, promotion at pag hire ng mga empleyado maliban kung may exemption mula sa COMELEC.

--Ads--

Ang hakbang na ito ang CSC ay dahil sa pormal na pagsisimula ng ng campaign period bukas para sa National Candidates na tatagal hanggang May 10,2025.

Mula bukas ay bubuo na ang COMELEc ng Oplan Baklas o operation Baklas Task Force na siyang mangunguna sa pag tatanggal ng campaign materials ng mga kandidato sa mga hindi common poster areas sa buong bansa.