
CAUAYAN CITY – Puntirya ng Civil Service Commission (CSC) Region 2 na magrehistro ng siyam na libong examinees para sa Civil Service Examinations sa buwan ng Hunyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Nerissa Canguilan ng CSC Region 2, sinabi niya na maaaring maghain ng aplikasyon ang mga examinees hanggang sa April 22.
Sa ngayon ay nagproproseso na sila ng aplikasyon ng mga examinees mula Isabela at Tuguegarao City sa Cagayan na nakakuha ng schedule sa kanilang online booking para maiwasan ang siksikan o pagdagsa ng walk-in applicants.
Gamit ang online link ay makakapagpa-schedule ang examinee kung kailan ito maaaring magtungo sa venues ng CSC para magpasa ng appllication forms and requirements para sa 1,200 slots.
Pakiusap ng CSC sa mga kukuha ng schedule sa pamamagitan ng online booking na isang beses lamang dapat na magparehistro upang hindi masayang ang ibang slots na pwede pang makuha ng iba pang magrerehistro.
Para sa mga magpapasa ng application ay kailangan ng fully accomplish ang CSC application form, magdala ng passport size ID na may Name Tag, Photo copy ng valid ID, kung walang valid ID na may date of birth maaaring dalhin ang Birth certificate at P200 Application fee.
Para sa mga nagnanais na kumuha ng CSC exam maaaring bisitahin ang kanailang link na cscdos.rf.gd.










