CAUAYAN CITY– Pinangunahan ng Department of Agriculture (DA) Region 2 ang briefing bilang paghahanda sa isasagawang culling sa barangay Marabulig 2, Cauayan City matapos maitala ang unang kaso ang Avian flu o bird flu.
Ayon kay Dr. Manuel Galang, Veterinarian III ng DA region 2, isasailalim sa culling ang mga alagang pato, manok at iba pang alagang hayop na maaaring tamaan ng bird flu na sakop ang 1 kilometer radius mula sa infected area.
Sa pagtaya ng DA region 2 maaaring umabot sa 200 million pesos ang maging pinsala ng bird flu sa buong Cauayan City kung hindi maagapan ang paglaganap ang bird flu.
Isasailalim sa culling ang mga alagang manok at pato na may gulang na apat na linggo pataas na babayaran ng Php100.00 sa bawat alagang ma-cull.
Php150.00 naman per head ang bayad bawat panabong na manok na maisasali sa culling.
Matapos ang culling ay agad na iproproseso ng DA ang listahan ng mga naapektuhang residente na siyang ihahain sa DA central office.










