--Ads--

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na isinugod sa ospital kahapon ng umaga ang contractor na si Curlee Discaya, na sangkot sa kontrobersyal na flood control projects.

Ayon kay Sotto, isinailalim si Discaya sa magnetic resonance imaging o MRI matapos nitong magreklamo ng frozen shoulder.

Dagdag pa ng senador, matapos ang isinagawang MRI ay agad ding ibinalik si Discaya sa kanyang detensyon sa Senado.

Hindi naman tinukoy kung saang ospital isinagawa ang naturang MRI procedure.

--Ads--

Samantala, nauna nang sinabi ng abogado ni Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego na dinala sa ospital ang kanyang kliyente dahil sa iba’t ibang nararamdaman nito at dahil pitong buwan na rin itong hindi sumasailalim sa check-up.

Plano rin ng kampo ng mga Discaya na humiling sa Senado ng karagdagang medical check-ups para kay Curlee.