--Ads--

CAUAYAN CITY – Handang-handa na ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa pagtugon sakali mang makapagtala ang Region 2 ng kaso ng delta variant.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC na nagtutulungan ngayon ang lahat ng kawani sa naturang pagamutan para paghandaan ang posibleng pagpasok ng delta variant sa rehiyon.

Gayunman ay naniniwala sila na sa pamamagitan ng paghihigpit, pag-iingat at pagsunod sa mga panuntunan ay maaagapan ang pagpasok ng delta variant sa lambak ng Cagayan.

Ayon sa kanya, ang delta variant ay mas nakamamatay kaysa sa COVID-19 na nararanasan ngayon.

--Ads--

Mas mabilis ang pagkahawa na umaabot sa segundo lamang kaya mas nakakakatakot ito at mas nakakabahala.

Mas marami rin itong sintomas dahil kung ang sintomas ng nararanasang COVID-19 variant ngayon ay lagnat, ubo, sipon, nahihirapang huminga, nawawalan ng panlasa at pang-amoy lamang ang sintomas, ang delta variant ay nadagdagan.

Kabilang na rito ang pagdudumi, pagbabara ng ilong dahil sa sipon, pananakit ng kalamnan, mahabang panahon na pananakit ng ulo, pagsusuka, sore throat at madaling mapagod.

Dahil dito, napakahalaga aniya ang pagpapabakuna ngayon para magkaroon ng proteksyon dahil kahit magpositibo ay hanggang asymtomatic o mild na lamang ang mararanasan.

Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao.