--Ads--

Magsasagawa ng libreng Surgical Mission ang Cagayan Valley Medical Center o CVMC katuwang ang pamahalaang Panlalawigan ng Isabela sa ikaapat hanggang ikalima ng Abril.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Cagayan Valley Medical Center na ang surgical mission na isasagawa ay lalahukan ng  mga taga Isabela na may  cataract, cleft lip o  gusing at  may  bukol  maging ang mga nais sumailalim sa  operation tuli.

Kailangan pa rin nilang ipatupad ang mga health protocols sa isasagawang surgical mission.

Magsasagawa ng screening sa Gov. Faustino N. Dy  Hospital  sa mga pasyente pangunahin na sa mga senior citizens na may cataract at dapat  ay may clearance sa internist.

--Ads--

Hindi anya lilimitahan ang mga pasyenteng isasailalim sa operasyon basta makapasa sa isasagawang screening.