--Ads--

CAUAYAN CITY – Naalarma na ang pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City ang patuloy na pagdagsa ng mga COVID-19 patients sa pagamutan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC na nakakaalarma na ang admission ng COVID-19 patients sa CVMC dahil halos domoble na ang bilang kumpara sa mga nakaraang buwan.

Aniya, 159 ng kanilang admission ngayon at mayroon pang 25 na nakapila.

Dahil dito, isa na lamang at mapupuno na ang 160 na isolation rooms ng COVID ward ng CVMC.

--Ads--

Ayon kay Dr. Baggao, sa kasalukuyan nilang admission ay 124 ang confirmed cases na maituturing ng pinaka-record high sa CVMC.

Pinakamarami pa rin ang Cagayan na may walumpu’t apat, Isabela na may tatlumpu’t lima, tatlo sa Apayao habang tig-iisa sa Tarlac at Kalinga.

Tatlumpu’t dalawa naman ang suspect patients na kinabibilangan ng 16 na mula sa Cagayan, 13 sa Isabela habang tig-iisa sa Apayao, Kalinga at Mt. Province.

Bukod dito ay mayroon ding tatlo na probable case.

Ayon kay Dr. Baggao, hindi na lamang isolation rooms ang kulang sa CVMC dahil nagkukulang na rin sila ng personnel gayundin ang gamot na remdesivir na para sa mga severe at critical cases.

Inamin din niya na pagod na sila lalo na ang mga health workers sa kanilang COVID ward pero hindi pa rin sila sumusuko para mapaglingkuran ang taumbayan.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao