--Ads--

CAUAYAN CITY– Mataas ang dinadalang pasyenteng maysakit na dengue fever sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa nakalipas na 20 araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, sinabi niya na mula buwan ng Abril ay sunod sunod ang kanilang ini-admit at nirerefer ng iba’t ibang pagamutan na dengue hemorrhagic fever.

Batay sa kanilang datos mayroon na silang naitatalang 29 na pasyente na may dengue fever.

17 ang adult o may edad 18 pataas at labing dalawang ang edad 18 pababa.

--Ads--

Ang kagandahan lamang aniya sa naturang mga pasyente ay walang naitalang nasawi.

Nangunguna pa rin ang Cagayan sa may mataas na kaso ng dengue na may 26, anim ang mula sa Isabela at 2 sa Lalawigan ng Apayao ..

Bagamat mataas ang naitalang kaso ng dengue sa loob ng 20 araw ay hindi pa nakikita ng CVMC ang deklarasiyon ng dengue outbreak.

Pangkaraniwang nagiging breeding site ng lamok ang mga lugar na madalas maipunan ng tubig kaya mahalaga sa panahon ng dengue ay ang wastong paglilinis.

Ilan lamang sa mga sintomas ng dengue fever ay lagnat, pagdurugo ng ilong at gilagid at pamamantal.

Kapag nakaramdan ng mga nabanggit na sintomas ay huwag mag-atubiling magpakonsulta at magpa-laboratoryo upang maagapan at maiwasan ang mortality.

Tiniyak naman ng CVMC na may sapat na bed capacity para sa mga dengue cases at iba pang karamdaman dahil ngayong araw ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 2 taon naitala nila ang zero case ng COVID 19.

May sarili ring blood bank ang CVMC na maaaring mapagkunan ng dugo na kakailanganin ng pasyenteng tinamaan ng Dengue.

May sarili ring aparato ang CVMC na naghihiwalay ng platelet ng dugo para sa mga pasyenteng mangangailangan nito kaya hinihimok ang mga kaanak ng pasyenteng mangangailangan ng platelet na magdala ng kahit isang blood donor.

Ang makokolekta at maproprosesong platelet ay direkta o agad ring isasalin sa pasyente.

Bahagi ng pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical