--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nakapagtala ang Cagayan Valley Medical Center o CVMC ng record high na 295 na covid patients na nakaadmit ngayon sa ospital.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, ang Medical Center Chief ng CVMC, sinabi niya na umabot na sa 295 ang bilang ng kanilang covid patients at 276 dito ay mga kumpirmadong kaso at labing siyam ang suspect patients.

Pinakamataas pa rin ang kasong nagmula sa Lalawigan ng Cagayan na may 256 na kabuuang bilang, labing lima ang galing sa Isabela, lima ang mula sa bahagi ng Cordillera at isa mula sa Bayombong Nueva Vizcaya.

Ayon kay Dr. Baggao, may dalawamput walo pang pasyente na nasa waiting are ng ospital ang naghihintay ng kwartong lilipatan.

--Ads--

Aniya mahigit isandaang bahagdan na ang occupancy rate ng CVMC ngyon dahil kahit pa nagdagdag sila ng mga pasilidad at bed capacity ay punuan pa rin ng Covid patients ang kanilang Covid ward.

Muli namang pinaalalahanan ni Dr. Baggao ang mga ospital sa rehiyon na huwag nang dalhin o i-refer sa CVMC ang mga pasyenteng mild lamang ang sintomas dahil ang kapabilidad ng ospital ay para sa mga kritikal na kaso lalo na at punuan na ang kanilang ward sa pasyente.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.