--Ads--

CAUAYAN CITY – Mula noong unang araw ng Enero hanggang kahapon, ikasiyam ng Hunyo ay nakapagtala na ang Cagayan Valley Medical Center o CVMC ng 209 na kaso ng Dengue.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Cherry Lou Molina Antonio, Chief Professional Medical Staff 2 ng CVMC na sa 209 dengue cases ay siyamnapo ang  adult habang ang 119 ay pediatric o mga bata.

Sinabi ni Dr. Antonio na makikita sa trend na tumaas ang kaso ng dengue noong nakalipas na buwan ng Mayo.

Aniya, maituturing nang nakakabahala ang pagtaas ng mga nagkakasakit ng dengue.

--Ads--

May labindalawang dengue patients ang minomonitor ng CVMC na kinabibilangan ng limang adult at pitung padiatric.

Kadalasan aniyang nararamdaman ng mga pasyante ay ang internal symptoms na kinabibilangan ng lagnat na tumatagal ng dalawa hanggang pitung araw na sinasabayan ng pananakit ng katawan o  kasu-kasuan at walang ganang kumain.

Habang ang external symptoms ay ang pagkakaroon ng rashes.

Tiniyak naman ng CVMC na sapat ang gamot para sa sakit na dengue at sapat ang supply ng dugo sa kanilang blood bank na para sa mga posibleng masalinan ng dugo.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Cherry Lou Molina Antonio.