--Ads--

Umakyat na sa siyam ang naitalang firecraker-related injuries ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC).

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Cherry Lou Antonio, Medical Center Chief ng CVMC, sinabi niya na lahat ng mga biktima ay kabilang sa active cases, ibig sabihin, sila mismo ang nagpaputok.

Walo sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Cagayan habang isa naman ang mula sa Isabela.

Kasalukuyan pa ring naka-admit sa pagamutan ang dalawa sa mga biktima habang ang iba naman ay nagtamo lamang ng mga injuries kaya agad ding na-discharge.

--Ads--

Tatlo sa mga ito ay gumamit ng whistle bomb, dalawa ang gumamit ng kwitis, habang tig-iisa naman ang gumamit ng Lucis, five star, at improvised na paputok.

Samantala, nakapagtala naman ng 158 na road crash injuries ang CVMC simula December 21, 2025. kung saan tatlo  sa mga ito ay dead-on-arrival.

Nanatili pa rin sa pagamutan ang 29 na biktima at ilan sa mga ito ay sumailalim sa operasyon.

Batay sa kanilang datos, bumaba ng 39% ang road crash injuries sa CVMC kung ikukumpara noong nakaraang taon.

Nananatili namang naka-code white alert ang naturang pagamutan hanggang ika-6 ng Enero para sa monitoring ng mga kaso.

Sa ngayon ay sapat pa naman ang mga bed capacities sa CVMC para ma-accommodate ang mga pasyenteng ma-a-admit sa hospital.