--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinapatupad na ng Department of Agriculture o DA Region 2 ang price freeze sa mga pangunahing produktong pang-agrikultura katuwang ang Local Price Coordinating Council at Department of Trade and Industry o DTI.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DA region 2 Executive Director Narciso Edillo, sinabi niya na kabilang ang gulay, bigas at ibat ibang agri-products sa kanilang mga minomonitor.

Pangunahin sa mga gulay na binigyan ng suggested retail price ay ang mga  gulay na sangkap ng  pinakbet.

Nakikipag ugnayan na sila sa mga supplier at manufacturer na limitahan  ang ipinapatong na presyo sa kanilang mga prioduktong pang-agrikultura.

--Ads--

Isa rin sa mga tinututukan ng DA ay ang kakulangan  ng tustos ng baboy dahil sa african swine fever kaya pinapayuhan ang mga mamimili na bumili  na lamang ng karne ng manok, baka at isda.

Kinausap na ng DA region 2 ang mga Farmer’s Cooperative Associations mula sa sa Ifugao, Dupax Del Sur at Dupax Del Norte sa Nueva Vizcaya na magbagsak ng gulay sa Isabela at Cagayan upang maibsan ang pagtaas ng presyo sa mga lugar na nakaranas ng pagbaha.

Naglabas na rin ng price ceiling sa mga produktong karne sa lambak ng Cagayan upang matiyak na hindi maabuso ang nararanasang kakulangan ng tustos ng  baboy sa ilang bahagi ng lalawigan

Bahagi ng pahayag ni Executive Director Narciso Edillo