--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakapagtala ang Department of Agriculture o DA ng milyun-milyong halaga ng pinsala sa agrikultura sa lungsod ng Cauayan dahil sa epekto ng bagyong Enteng.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculture Officer Engr. Ricardo Alonzo, sinabi niya na batay sa inisyal na ulat, mayroon nang 23,317.15 na ektarya ng taniman ang napinsala sa lungsod.

60 na ektarya ang totally damaged at 670 naman ang partially damaged.

Batay sa inisyal na datos, tinatayang P2,088,000 ang inisyal na pinsala sa production ng mais habang nasa P9,604,800 ang pinsala sa farm gate price nito.

--Ads--

Aabot naan sa P630,000 ang pinsala sa palay kung saan tinatayang nasa P5,218,500 ang kabuuang farm gate price nito.

Nakapagtala rin ng pinsala sa iba’t-ibang produktong pang-agrikultura tulad na lamang sa saging.

Tinatayang nasa P2,718,000 ang cost ng production sa pagpapatanim at pinambili ng mga binhi, habang P15,135,300 naman ang prevailing farm gate price o ang tinatayang kabuuang halaga kung naani at nabenta na ang mga palay, mais, saging, at iba pang produktong pang agrikultura.

Ayon pa kay Engr. Alonzo, posibleng magbago ang datos dahil kasalukuyan pa rin ang pagtanggap nila ng report mula sa mga farmers.

Pag-uusapan naman ng Lokal na pamahalaan kung ano ang maaari nilang itulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng bagyong Enteng.