CAUAYAN CITY- Planong magtalaga ng floor price sa pinya ng Department of Agriculture upang maiwasan ang pambabarat sa produkto ng mga pineapple farmers.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Agriculturist Arjie Baquiran ng Agribusiness and Marketing Assistance Division ng DA Region 2, sinabi niya na nagsagawa na sila ng pagpupulong at napagkasunduan na makikipagpag-ugnayan sila sa municipal council para sa posibleng pagsasagawa ng ordinansa patungkol sa presyo ng pinya.
Ang prevailing ngayon ng Pinya ay 30 pesos sa big, 25pesos sa Medium at 20 pesos ang small size.
Posible namang mas bumaba pa ito sa mga susunod na pagkakataon dahil mayroon pang inaasahan na maghaharvest ng kanilang ani.
Ayon kay Baquiran, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang market linkage assistance kung saan nakikipag-ugnayan sila sa iba’t ibang buyers sa Lambak ng Cagayan at nagpo-provide din sila ng logistics service upang maibenta ang produkto ng mga magsasaka.











