--Ads--

CAUAYAN CITY – Isinusulong ngayon ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA ang Organic Farming kasabay ng  pagmahal ng presyo ng mga farm inputs pangunahin na ang abono.

Matatandaang halos doble na ang presyo ng abono ngayon dahil sa pagtaas ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 sinabi niya na gumagawa sila ngayon ng alternatibong paraan upang masolusyunan ang mataas na presyo ng comercial na abono at organic fertilizer ang kanilang naiisip ngayong alternatibo.

Dahil sa demand sa abono sa ibang bansa ay nagkukulang na ang suplay dahil ang ilang mga bansa na pinanggagalingan ng suplay ay mas pinipiling hindi maglabas dahil mas prayoridad nila ang kanilang ekonomiya tulad ng India na nag expand ng agrikultura kaya indemand ngayon doon ang abono maging ang China ay ayaw ring maglabas ng abono dahil kailangan din nila ito sa kanilang agrikultura.

--Ads--

Dahil dito ay inirerekomenda ngayon ng kagawaran ang paggamit ng organikong pataba tulad ng mga puno ng mais at palay na ikakalat na lamang sa sakahan.

Ayon kay RED Edillo may technology na trychoderma na isang enzyme nagpapabilis sa decomposition ng mga pinag anihan o mga waste materials sa sakahan tulad ng damo.

Aniya malaking tulong ito bilang pandagdag na pataba sa mga sakahan dahil napapaganda nito ang texture ng lupa.

Mayroon na rin naman aniyang mga nabibiling organikong pataba sa merkado upang mabawasan ang paggamit ng inorganic fertilizers na napakamahal ngayon ang presyo.

May ipapackage ng DA ang sabay na paggamit ng organic at inorganic fertilizers sa mga sakahan

Ayon kay RED Edillo malaki ang naitutulong ng organikong pataba sa pagsasaka dahil mas matagal itong magagamit ng mga magsasaka kumpara sa mga inorganic fertilizer.

Aniya hindi lamang pang isang cropping na magagamit ito dahil kahit sa mga susunod na cropping ay mayroon paring epekto ang organic fertilizer sa mga pananim.

Dahil dito ay hinihikayat ng DA ang mga magsasaka na gumamit ng organikong pataba bilang pamalit sa inorganic na mahal ngayon ang presyo.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo.