--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagsasagawa na ng validation ang Department of Agriculture sa mga hinihinalang tinamaan ng African Swine Fever sa lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Manuel Galang Jr, ASF Coordinator ng DA Region 2 sinabi niya na batay sa kanilang monitoring nagkakaroon na naman ng mortalities o pagkamatay ng mga alagang baboy sa apat na bayan sa Nueva Vizcaya at tatlo  dito sa Isabela kaya nagtutungo sila sa mga nasabing lugar upang mavalidate ang ulat.

Kapag nagpositibo ay dito sila nagsasagawa ng depopulation sa mga apektadong piggeries maging ng massive information dissemination campaign sa lugar.

Dinidisinfect din nila ang mga kulungan ng mga namatay na baboy upang matiyak na wala na ang ASF dito.

--Ads--

Batay sa kwento ng mga hograisers ilan sa kanilang hinalang rason kung bakit kumakalat ang ASF ay dahil sa mga buyer na nag iikot sa mga barangay upang bumili ng baboy at hindi nililinis ang kanilang sasakyan.

Ang iba ay mula sa mga biniling ulam na karneng baboy at sa mga gamit ng mga beterinaryo.

Pinaalalahanan naman ni Dr. Galang ang mga backyard hograisers at mga may ari ng piggeries na tiyakin ang biosecurity sa kulungan ng mga baboy upang hindi maapektuhan ng virus.