
CAUAYAN CITY – Nagkakahalaga ng ng tatlong libong piso ang ibibigay na Discount voucher sa mga magsasaka ng mais na gumagamit ng makinarya sa bukid.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 na pinag-uusapan na ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga magsasaka ng mais.
Ang mabibigyan ng Corn fuel subsidy ay ang mga magsasakang gumagamit ng makinarya sa bukid para sa paghahanda ng kanilang taniman.
Ito ay sa pamamagitan ng discount voucher na aabot sa tatlong libong piso sa bawat magsasakang gumagamit ng makinarya.
Kapag bumili ng krudo ang isang magsasaka ay magagamit nito ang naturang discount vouchers.
Sa ngayon ay nagvavalidate na ang DA region 2 sa mga ipinasa ng mga LGUs sa region 2 na dalawampu’t walong libong magsasaka dahil ang ibinabang allocation para mabibigyan ng discount vouchers ay labing anim na libong magsasaka lamang.










